Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 2



7:00AM

"Haaaay" nag-uunat na si Ken at agad na niligpit ang higaan. Minsan lang umuuwi ang ina niya sa boarding house na inuupahan nila sa may Taguig a kinse at katapusan lang. Isa iyong malaking bahay at may labindalawang maliliit na silid. Nasa ikalawang palapag sila. Pangalawang taon na nila rito, ibig sabihin ay nasa ikalawang taon na rin siya sa kolehiyo. Ang kuya Chan niya nama’y sa batangas nakadestino. Kaya tuwing katapusan lang ito nakakadalaw sa kanila.

18 taong gulang na si Ken, ang dating tangkad ay nadagdagan, 5'8 na siya. Nawala na rin ang kapayatan nito. Mas pumuti at mas naging guwapo. Nasa ikalawang sem na siya sa kolehiyo. Sa isang public school siya ipinasok ng kanyang ina at kapatid. Ang panganay nila ay lumagay na sa tahimik, masaya na ito kasama ang pamilya nito sa Davao. Ang ate niya naman ay naroon paring kasama ang pamilya nito. Ang kuya Chan niyang engineer na 25 taong gulang na ay mukhang susunod na rin sa dalawa. Sabi nito, kapag natapos ang pagkakadestino nya sa batangas ay ipapakilala niya sa kanila ang nililigawan nito roon. Seryoso ang kuya niya kaya alam pakakasalan nito ang babae.

Mag-isa lamg siya sa boardinghause, malayo iyon sa pinapasukan niya. Ngunit malapit naman sa pinagtratrabahuan dati ng ina niya. Nang malipat ang ina niya ng pinagtatrabahuan ay hindi na sila lumipat ng bahay. Tuwing umuuwi ito ay binibigyan siya nito ng pera para sa pang araw araw. Kung may mga bayarin sa school ay tumatawag lang si Ken sa kuya chan niya at agad naman nitong ihuhulog sa atm niya. Ayaw niya mang maging pabigat sa mga ito pero hindi siya pinayagang maging working student. Baka raw kasi bumaba ang grades niya pag na-stress siya sa trabaho. Secondary Education ang kinukuha niya major in English. Dahil na rin sa iyon ang nais ng kanyang Ina. Suportado siya ng mga ito kahit na isa lang siyang ampon.

Paglabas ni Ken sa kuwarto ay nakita niyang nakabukas ang pinto ng katapat nilang silid. Sa pagkakatanda niya ay nag-aaral rin sa kolehiyo na pinapasukan niya ang lalaki na nagngangalang Danilo. Noong nakaraang buwan lang ito lumipat sa katapat nilang silid. Nasilip niyang nakahiga ang lalaki at nakatitig sa kisame. Kahit lalaki siya ay nagulat siya sa nakita. Nakahubad ang lalaki at tirik na tirik ang ari. Nagma-masturbate ito! Magkasing tangkad lang sila ni Danilo at magkasing puti. Pero iba ang dating nito dahil na rin sa nakapal na balahibo nito sa katawan na nagiging asset nito. Mahinhin siya pero hindi naman siya bakla, pero may kakaibang nararamdaman siya para kay Danilo.

Lumingon bigla sa kanya si Danilo, waring alam nito na pinapanuod siya dahil agad na sumilay ang mapanuksong ngiti nito. Agad na tumalikod si Ken, at dumeretso na sa baba. Naroon ang kusina at banyo ng boarding house. Bumili nalang siya sa labas ng kanin at ulam. Wala siya sa huwisyo magluto. Natutunan na rin niya ang pagluluto dahul masyadong magastos kung bibili siya ng bibili.

Wala siyang kasabay sa kusina ang mga ka-boardmates niya ay pumasok na sa trabaho at ang iba nama'y nagpapahinga. Kaya naman pakanta-kanta siya habang naghuhugas ng pinagkainan.

♪♪Close your eyes, give me your hand darling. Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you feel the same? Am I only dreaming? Is this burning an eternal flame…♪♪

Hindi niya namalayang bumaba pala sa Danilo. Bigla nalang itong yumakap sa kaniya, kakaiba ang yakap nito, animoy isang asawa na bumabati sa kanya ng magandang umaga. Nagulat siya at napalingon dito, nakita niyang nakapikit ito at ang ulo ay nakasampay sa balikat niya.

Itinuloy ni Danilo ang pagkanta...

♪♪I believe it’s meant to be darling, I watch you when you are sleeping. You belong with me. Do you feel the same…?♪♪

nagmulat ito at tumitig sa mata niya. Nakikita ni Ken ang sinsiredad nito. Waring ang bawat liriko ng kanta ay para sa kanya.

♪♪Am I only dreaming? And is this burning an eternal flame…♪♪

Sabay halik sa pisngi niya tapos ay ngmiti ng pagkatamis-tamis. Dumeretso ito sa banyo at naligo.

Si Ken naman ay matagal na nakapag react sa nangyari. "Ano kaya yun? Para san yung yakap at halik?" tanong ni Ken sa sarili. Maging siya ay nagtataka kung bakit nagustuhan niya ang nangyari. Nagmaladi siyang naghugas at umakyat sa silid. Inayos niya ang gamit niya sa pagpasok.

Dala-dala ang tuwalya at habonera, pumasok siya sa banyo at naligo. Naalala niya ang nakita niya sa kuwarto ni Danilo, maging ang pagyakap nito at paghalik sa kaniya. Napapangiti siya ngunit biglang sumungit sa isip niya ang isang nakaraan. Biglang tumayo ang balahibo niya. Dali-dali siyang naligo. Pag akyat niya sa kuwarto ay naka abang si Danilo sa pinto ng silid niya. Manghihiram ito ng plantsa. Pinahiram niya naman ito.

Naka-gayak na si Ken pangpasok sa school. May kumatok.

Tok-tok-tok.

Binuksan agad ni Ken ang pinto.

"Ahm Ken, eto nga pala ang plantsa, maraming salamat ah." sabi ni Danilo sabay abot sa kanya ng plantsa.

"Ayos lang." maikling sagot ni Ken sabay kuha ng plantsa.

"Ang ganda pala ng boses mo eh, nadala nga ako eh." sabi no Danilo na napakamot pa sa batok. Para itong binata na napahiya sa nililigawan.

"ahh." sagot lang ni Ken.

"Sige, baka nakaka-abala na ako sa'yo. Mamayang hapon pa pasok ko eh" sabi ni Danilo.

"Ok." naman ang sagot ni Ken.

Sinara niya agad ang pinto. pakiramdam niya kasi ay mabubuwal siya sa pagkakatayo. Bakit ganon? Mailap siya sa tao pero hindi ibig sabihin non ay hindi niya nan kayang makipag usap. Para kasing umurong ang dila niya nang makaharap niya ito matapos ang nangyari sa ibaba. Inayos ni Ken ang sarili at pumasok na sa paaralan.

10:30AM hanggang 9PM ang pasok niya ngayon dahil Huwebes;

 Lunes, Huwebes at Sabado ang pasok niya: 7:30 AM hanggang 4:30PM pag Lunes: at pag Sabado nama’y 11AM-4PM.

Kahit may kalayuan ang school ay hindi ibig sabihin non na nahihirapan siya. Ayos din sa kanya ang ganon, sakto lang kumbaga. Para kahit papano ay may Makita naman siyang ibang bagay bukod sa boarding house at school. Ganun ang Gawain niya, kung wala naming importanteng pupuntahan eh nasa bahay lang siya.

Pagkalabas ng boarding house ay sasakay siya ng jeep, tapos bus, tapos jeep ulit, sabay pwede siyang mag pedicab para mas mapabilis imbes na lakarin ang papunta sa school.
Tapos na ang klase niya at gutom na gutom na siya. Nag-extend pa kasi ang Prof nila. 9:30PM na at alam niyang medyo siksikan sa bus pauwi.

“Ken gusto mo sabay ka kumain sa amin?” yaya ng ng mga kaklase ni Ken.

“Sige tara, gutom na gutom na kasi ako eh.” Sagot ni Ken.
Magaan ang loob ni Ken sa mga kaklase niya. Dahil na rin sa isa’t kalahating taon na nilang pinagsamahan. Block section sila kaya matibay ang pagkakaibigan ng klase.

Sa labas ng campus nagpasya silang kumain sa isang karinderya. Hindi naman ito gaanong kalayuan.
Namimili noon si Ken ng oorderin.

"Manang magkano yung monggo?" tanong ni Ken sa tindera.

“Kinse lang iho.”

“Isa po at dalawang kanin.” Sabi ni Ken. May tumabi sa kanyang lalaki. Nagulat siya nang mapalingon siya rito.

“Uy Ken, hindi ka pa pala nakakauwi? Grabe ha, hanggang gabi ka pala.” tanong ni Danilo sa kanya na nakangiti. Para pa rin itong bagong ligo, samantalang siya eh halos lumuwa na ang mata sa kakapigil na makatulog sa klase kanina. Ganon ang sakit niya, ang pagiging antukin, binansagan na siya sa room ng “MAPA” (MAPASANDAL-TULOG).

“Hindi pa eh, kakatapos lang ng klase namin. Eh ikaw, bakit nandito ka pa?”  tanong ni Ken.

“Parehas tayo, kakatapos lang ng klase. Kaya eto kakain na muna bago umuwi.” Sabi ni Danilo.

“Sabay ka nalang sa amin kumain.” Yaya ni Ken dito. Pumayag naman ito. Kahit medyo ninenerbiyos si Ken dahil katabi niya si Danilo ay hindi niya iyon pinahalata.

Dumalo na sila sa mesa kasama ang mga kaklase ni Ken.

“Guys, ito ng pala si Danilo, ka boardmate ko. Schoolmate din natin.” Pagpapakilala ni Ken.
Sabay-sabay na ang hi ang mga kaklase ni Ken. Umupo si Danilo sa tapat ni Ken. Tahimik na kumain ang lahat. Hindi man gaanong close si Ken sa mga kaklase niya, alam niyang kaibigan niya ang mga ito. Parang kapamilya na rin kumbaga, tulungan sila kung may mga pinapagawa ang mga prof nila. Naiilang siya sa mga ito dati dahil hindi lingid sa kaalaman niyang may gusto ang ilan sa mga ito sa kanya. Naging palagay lang ang loob niy sa mga ito nang magkaroon sila ng team building. Doon ay nagkaroon ng kasunduan ng buong klase na ituturing nilang kapatid ang isa’t-isa. Walang talo-talo dahil yun daw ang sisira sa samahan ng klase.

Habang kumakain, hindi nakaligtas sa kanya ang malagkit na tingin ng mga ito kay Danilo.

“Danilo, matagal na kayong magakakilala ni Ken? Ngayon lang kasi naming nalaman na magkaibigan pala kayo.” tanong ni May kay Danilo, para bang walang Ken na nakikinig.

“Dati ko pa siya kilala, pero noong isang buwan lang niya ako nakilala. Bagong lipat lang kasi ako sa boarding house na inuupahan niya.” Sagot ni Danilo.

“San ka ba talaga nakatira?” tanong ni May, waring nasa Hot seat si Danilo.

“Taga-Las PiƱas kami. Eh masyado naming malayo sa school kaya naisipan kong mag-board.” Sagot ni danilo.

“Ang layo parin diba ng Taguig? Bakit don ka lumipat?” tanong ulit ni May
Tumigil sa pagsubo si Danilo at tumingin kay Ken, “Gusto ko kasing mapalapit kay Ken.” Diretsong wika nito.

“Ahh” wika ni May na aninoy may naaamoy na kakaiba. “May gusto ka ba sa kaklase namin? Tsaka parehas kayong lalaki diba? Silahis ka ba?” tanong May, walang pakialam kung nakakaeskandalo na.
Dumiretso ang upo ni Danilo, sinalubong ang mata ni May. “para sa pang huli mong tanong, oo ang sagot ko. Kahit naman sabihing lalaki kami pareho. Hindi naman siguro imposibleng magkagusto kay Ken. Mabait, masipag, hindi gumagala kung wala naming inportanteng lalakarin. Oo, matagal na akong may gusto kay Ken. Simula pa noong last year.”

Si Ken naman na nakikinig lang sa mga ito ay napabuga. Kasalukuyan siyang umiinom ng tubig kaya nagugahan niya katapat niyang si Danilo.

Nagtawanan ang lahat dahil sa nangyari. Natataranta si Ken na punasan ng panyo ang mukha ni Danilo, may mga kanin pa.

“Okay lang ako.” Sabi ni Danilo at hinuli ang kamay ni Ken na may hawak na panyo.
Parang tumigil ang oras dahil sa nangyari, nagkatitigan sila nga matagal. Kinalabit sila ng kaklase ni Ken kaya natauhan sila.

Nagkailangan tuloy silang dalawa. Ang mga kaklase naman ni Ken ay nakangiti. Nakikita ng mga ito ang kakaibang damdamin na nakapalibot sa dalawa.

Natapos kumain ang klase at nagpaalam na sa isa’t isa. Sasakay na siya ng pedicab ng may humawak sa balikat biya. Si Danilo iyon.

“Ken sabay na tayo umuwi.” Sabi nito.

Pumayag naman si Ken. Kahit magkatabi sila ay hindi sila naguusap hanggang sa makarating ng boarding house. Naiilang si Ken dahil sa narinig kanina. Ang ibig sabihin ay may damdamin para sa kanya si Danilo, matutuwa n asana siya ngunit natatakot siya dahil pareho silang lalaki. Kahit marami na ang magkarelasyon na parehas ang kasarian sa lipunan. Hindi pa rin mapipigil ang may mang husga samga ito. Ayaw niyang mahusgahan. Tama na ang panghuhusga sa kanya noong bata pa siya dahil isa siyang ampon. Kung ang mga kapamilya nga niya ay walang pakialam, bakit ang mga hindi niya kaanu ano ay kung makapagsalita ay para bang ito ang nagpapakain sa kanya.

Alas onse na. Papasok sa sa silid si Ken ng may yumakap sa kanya mula sa likuran, alam niyang si Danilo iyon. Dahil sa mga ganoong oras ay nasa trabaho na ang mga nagungupahan sa kabilang silid. Ang mga nasa ikatlong palapag naman ay natutulog na.
Nanigas ang katawan niya. Iba ang yakap nito sa kanay kumpara kaninang umaga. Ayaw man niyang isipin pero ramdam niya ang pagmamahal nito.

“Ken yun mga sinabi ko kanina, totoo yun.” Bulong ni Danilo sa kanyang tenga na nagdudulot ng kakainbang kiliti kay Ken.
Humarp si Ken dito at gumanti ng yakap.

“Alam ko, maraming slamat.” Ganting bulong ni Ken.
Nagulat si Danilo sa sinabi ni Ken, ibig sabihin ay may gusto rin sa kanya si Ken. Namasa ang mata ni Danilo at mahigpit na niyakap sa Ken. Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang sandal ay bumitaw sila sa pagkakayakap. May ngiti sa kanilang mga labi. Nagkaroon ng pagkakaintindihan ang kanilang mga puso. Pumasok na sila sa kanya kanyang silid.

Itutuloy...

Comments

Popular posts from this blog

Samuel