Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 4
I'm still typing for the following story,
bale nasulat ko na sa notebook ko pero hindi ko pa naita type,,, :)
Napapitlag ang dalawa. Magkayakap na pala sila. nakita ni Ken ang kuya Chan niya, nakasandal sa pintuan ng kusina.
"Kuya Chan! Good mor-ning... kanina ka pa ba jan?" sabi ni Ken.
"Hindi naman, medyo lang." seyosong sagot nito. Hindi nilulubayan ng masamang tingin si Danilo.
"Good morning po. Kayo po pala ang Kuya ni Ken." nahihiyang bati ni Danilo kay Chan.
"Good morning din, at sino ka naman? bakit mo niyayakap ang kapatid ko?" diretsang tanong nito.
Napayuko sa Ken doon. Alam niyang istrikto ang Kuya niya pagdating sa moral. Hindi nito pahihintulutan ang kung ano mang nakikitang ugnayan niya kay Danilo.
"Ako po si Danilo, Danilo Santos po. Boardmate po ninyo, schoolmate rin po ni Ken." magalang na wika ni Danilo.
Tumango lang si Chan, malalim ang iniisip. Binalingan nito si Ken.
"Ken, hindi pa ba dumadating si Mama? Eto nga pala, pasalubong ko sa'yo." wika nito sabay abot ng plastic na may ilang balot ng monggo bread.
Napangiti si Ken, alam ng kuya niya kung ano ang paborito niya. Si kuya chan ang naging kasama niya noong bago palang siya sa Maynila. Ipinasyal siya nito kung saan saan. Parang tunay na kapatid ang turing nito sa kanya.
Mabilis na lumapit si Ken, kinuha ang supot at humalik sa pisngi ng kuya niya. "Salamay kuya!" pagpapasalamat ni Ken.
Hindi nakaligtas sa mata ni Danilo ang kahinahinalang ngiti si Chan. may naaamoy siyang kakaiba.
"Kuya magbihis ka muna doon sa itaas, tsaka paki-akyat naman nitong adobo at sinaing. Salamat!" sabi ni Ken.
Kinuha naman ng Kuya niya ang ulam at sinaing. Nang papanhik na ito sa hagdan ay tumungin ulti ito kay Danilo. Nagbabanta ang mga tingin nito. Naglaban ang mga mata nilang dalawa.
"Uy! bakit ganyan ka makatingin sa kuya ko?" puna ni Ken kay Danilo, sinabayan pa nito ng pagtapik sa balikat.
"Ah wala naman, hindi kasi kayo magkamukha. Para kasing may lahi siyang chinese." sagot ni Danilo.
"Kasi nga po, ampon lang ako." sagot ni Ken sa pagtataka ni Danilo. Magaan ang lob ni Ken dito at alam niyang hindi siya nito kukutyain.
Namanhga ni Danilo sa nalaman ngunit saglit lang iyon dahil nahulog siya sa malalim na pag-iisip.
"Dan, eto nga pala oh, ipinagtabi kita ng ulam. baka kasi kako hindi ka pa kumakain." iniabot ni Ken ang mangkok na may adobo.
"Uy naks naman! ang sweet. hehe! Pwede bang manligaw?" pabirong wika ni Ken.
"Sure! Kasi kaylangan mong magpaalam kay mama at kuya." sagot naman ni Ken na binuntutan pa ng tawa.
"Hehe! sige mamaya pagdating ng mama mo." wika nito.
Doon nagulat si Ken at napatulala. "Seryoso ba tong taong to? Ano nalang ang sasabihin nila kuya kung ganon nga."
"Sige Ken, kakatok ako mamaya sa inyo ha, maraming salamat sa ulam." masiglang wika ni Danio sabay halik s labi ni Ken.
Mabilis lang ang halik pero nagkanda buhol-buhol ang pagiisip ni Ken. Napanganga siya. Namalayan niya nalang na nakangiti sa kanya si Danilo at hinawakan ang baba niya at nagsabing. "Itikom mo yang bibig mo baka pasukin ng langaw. Sige next time mas matagal pa." pinisil pa nito ang pisngi niya sabay umakyat na sa itaas.
Siya naman ay naiwan sa ibaba, tulala parin. Magkahalong gulat at kilig ang naramdaman niya.
"Oh anak? anong nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ng ina.
"Ma, manliligaw raw sakin si Danilo." wala sa sariling wika ni Ken.
"Okay, sige ayos lang sa akin." pagsang-ayon ng ina.
"ma? totoo ba yung narinig ko?" gulat na tanong ni Ken sa ina.
"Oo naman, mukha naman mabait ang batang yun. Tsaka isa pa, nasabi na sa akin non kung bakit siya nagdesisyong lumipat dito." nakangiting wika ng ina.
"Talaga ma?"
"Oo nga, ang kulit ha." natatawang wika ng ina.
"o siya, ipanhik ma na muna itong gamit ko at magsi-cr lang ako. Kanina pa ako taeng-tae eh." nagmamadali itong pumunta sa banyo.
Ganon silang mag-ina. Kahit ano pa ang nararamdaman eh sinasabi nila sa isa't-isa. Alam rin nito na may kakaiba sa katauhan ni Ken, pinayuahn siya nito na wag magpapadala sa bugso ng damdamin. Kaya hindi niya ipagpapalit ang ina niya sa kahit kanino pa.
Umakyat na rin si Ken, sarado ang silid ni Danilo pagka-akyat niya. Napangiti siya. "Sana nasarapan siya sa luto ko."
Hindi na nag-aksayang kumatok si Ken sa silid. Alam niya namang nandoon ang kuya niya sa loob.
Pagpasok niya, nakita niya ang kuya niya, nakahiga sa kama. malalim ang iniisip. Nagtataka siya dahil hindi naman ganoon ang kapatid niya. Lagi kasi itong nakangiti at nakatawa.
"Kuya anjan na si mama." pukaw niya rito.
"Ah ganon ba. Sige, maliligo muna ako bago tayo kumain." tumayo ito at kumuha ng tualwa sa closet.
nang mapatapat ito kay Ken ay niyakap nito ang kapatid.
Hindi na nabigla roon si Ken, dahil ganoon naman sila ng kuya niya. Pero bigla siya nitong hinalikan sa labi, mabilis lang at agad siyang bintawan nito.
"Na-miss kita." sabi nito sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Ngiti lang ang naisagot ni Ken.
Lumabas na ng silid ang kanyang kapatid upang maligo, sakto namang pasok ng kanyang ina.
"O anak? kanina nakatulala ka, ngayon naman nakangisi... Ano ba natira mo ngayon?" pagbibiro nito.
"Wala po Ma, si kuya kasi. Kanina ang sungit tapos ngayon ang lambing." sagot ni Ken sa tanong ng ina.
"Ahh, ganun ba. May natira rin siguro... hahaha!"
Itutuloy…
Comments
Post a Comment