Posts

Showing posts from 2010

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 7

Image
hello guys! Sa wakas, andugtungan ko na ulit yung story na ito... Kung ano rin kasi ang mood ko, ganoon din yung flow ng story... Eh moody pa man din ako.. pano na? :) ------------------------------------------------------------------------- Mailap ang mata ni Chan nang pumasok si Ken sa silid. Hindi tuloy alam ni Ken kung paano kakausapin ang kuya niya. Kaya minabuti niya na lang na ihanda ang kanyang mga gamit sa paaralan. Kasalukuyan siyang nagpa plantsa ng dumating ang kanilang mama. “Hi Ma! Tingnan mo oh, bigay ni Danilo.” Sabi ni Ken sabay taas ng kanyang keychain. Hindi sumagot ang Ina, sa halip ay lumingon lang ito kay Chan na waring wala ring paki alam sa nangyayari. Nagataka naman doon si Ken dahil mukhang namumutla ang kanyang ina. “Ma! ano nangyayaroi sayo? Naka tom aka ba ng sukang datu puti?” saway ni Ken sa ina na napakalalim ng iniisip. “Ahh… wala anak may naalala lang ako.” Sagot lang ng ina. “Anak tapos ka na ba jan sa pinaplantsa mo? Ako na ang tatapos.” Sabi

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 5

Image
 Hello po! eto na ang pang part 5.. hanggang part 7 na ang nasulat ko, but unfortunately, I don't have enough time to sit in front of our computer and type those writings from my notebook... hehehe!  enjoy reading,, thank you..! (ang nakaraan) "Mrs. Yu. I'm really sorry. Ginawa na namin ang lahat pero sadyang katawan na niya ang sumuko." malungkot na balita ang narinig ni Mrs. Yu, ang umampon kay Ken. Nakatulala lang si Mrs. Yu, lumilipad ang isip. Sadyang mahina na ang katawan ng asawa. Unang atake pa lang ng hypertension nito eh "give-up" na. Kung pagpapalaki sa mga anak, wala namang problema dahil may trabaho na ang panganay, may asawa ang pangalawa, at nasa panghuling taon na ang pangatlo. Ang bunso ang iniisip niya. paano niya ipagtatapat ang tunay na katauhan nito. Buong buhay ni Ken ay pinaniwala nilang anak nila ito. Maging ang mga kapatid ng mga ito. Kahit naiiba ang itsura ng bata ay hindi na rin ito nagtanong tungkol sa tu

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 4

Image
 I'm still typing for the following story, bale nasulat ko na sa notebook ko pero hindi ko pa naita type,,, :) Napapitlag ang dalawa. Magkayakap na pala sila. nakita ni Ken ang kuya Chan niya, nakasandal sa pintuan ng kusina. "Kuya Chan! Good mor-ning... kanina ka pa ba jan?" sabi ni Ken. "Hindi naman, medyo lang." seyosong sagot nito. Hindi nilulubayan ng masamang tingin si Danilo. "Good morning po. Kayo po pala ang Kuya ni Ken." nahihiyang bati ni Danilo kay Chan. "Good morning din, at sino ka naman? bakit mo niyayakap ang kapatid ko?" diretsang tanong nito. Napayuko sa Ken doon. Alam niyang istrikto ang Kuya niya pagdating sa moral. Hindi nito pahihintulutan ang kung ano mang nakikitang ugnayan niya kay Danilo. "Ako po si Danilo, Danilo Santos po. Boardmate po ninyo, schoolmate rin po ni Ken." magalang na wika ni Danilo. Tumango lang si Chan, malalim ang iniisip. Binalingan nito si Ken. "Ken, hi

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 3

Image
Walang pasok si Ken, at uuwi ang Ina niya maya-maya pati na rin ang kuya niya. Alas-seis palang bumangon na siya upang magluto. Alam niyang gutom ang dalawa pag-uwi. Bit-bit ang super kalan, bumaba siya. At siyampre isang lingon muna sa katapat na kuwarto kaso sarado pa. Sa ibaba nag luto si Ken. Kasabay niya sa kusina ang mga ka-boardmate. “Good morning po.” Bati ni Ken sa mga ito. “Good morning din.” Wika ng mga ito. “Ken diba ngayon ang uwi ng mama mo at kuya mo?” tanong ni Kuya Andrew, isa sa mga ka-boardmate niya. “Opo kuya, kaya nga magluluto ako ngayon eh.” Masiglang wika ni Ken. “Wow naman, anong lulutuin mo.? Tanong ulit nito. “Adobong manok ginisang talong, at salad na pipino.” Sagot ni Ken. “Naks naman! Sana nag-HRM ka pala. Natikman ko na dati yung luto mo at masarap ha.” Papuri nit okay Ken. Agad naming nagsi tanguan ang mga iba pa. “Asus! Gusto niyo lang ata makalibre ng agahan eh! Hahahaha!” wika ni Ken. “Parang ganon na nga.” Ganti ng mga