Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 5


 Hello po! eto na ang pang part 5..

hanggang part 7 na ang nasulat ko, but unfortunately, I don't have enough time to sit in front of our computer and type those writings from my notebook... hehehe!


 enjoy reading,, thank you..!















(ang nakaraan)

"Mrs. Yu. I'm really sorry. Ginawa na namin ang lahat pero sadyang katawan na niya ang sumuko." malungkot na balita ang narinig ni Mrs. Yu, ang umampon kay Ken.

Nakatulala lang si Mrs. Yu, lumilipad ang isip. Sadyang mahina na ang katawan ng asawa. Unang atake pa lang ng hypertension nito eh "give-up" na. Kung pagpapalaki sa mga anak, wala namang problema dahil may trabaho na ang panganay, may asawa ang pangalawa, at nasa panghuling taon na ang pangatlo. Ang bunso ang iniisip niya. paano niya ipagtatapat ang tunay na katauhan nito.

Buong buhay ni Ken ay pinaniwala nilang anak nila ito. Maging ang mga kapatid ng mga ito. Kahit naiiba ang itsura ng bata ay hindi na rin ito nagtanong tungkol sa tunay nitng katauhan. Siguro nga, hudyat na nag pagkawala ng kanyang asawa uoang sabihin sa mga anak ang sekretong matagal nilang itinago.

Matapos ang libing ni Mr. Yu ay nagtipon-tipon ang pamilya sa kanilang tahanan. Nasa sala ang lahat.

"Aherm. Ahm... mga anak,"

"Opo ma." sagot ng mga ito.

"Kaya ko kayo tinipon dito ngayon dahil may sasabihin akong mahalaga sa inyo. Mas higit pa ang halaga nito sa pera." pasimula ng ina.

Napatuwing ng upo ang lahat maliban kay Ken. Hindi alam ni Ken pero kinakabahan siya sa sasabihin ng ina. Para kasing may kinalaman sa kanya iyon. Ngayon lang din niya kasi nakita ang ina na ganoon kaseryoso.

Lumingon ang lahat kay Ken dahil sa kanya nakatuon ang tingin ng ina.

"Ken, anak." tawag ng ina kay Ken.

"Po? Tungkol po ba ito sa akin? Ako po ba ang nasa hot seat?" tanong ni Ken.

Tumango lang ang ina at napangiti bago nagsalita na.

"Noong Pitong taong gulang palang si Chan ay namasukan ako sa isang pabrika sa Maynila. Doon ko nakilala si Emelda. Mabait ang dalagang iyon, nasa 18 palang ito. Nagkaroon ito ng nobyo. Isang mayamang lalaki na nagngangalang Denrick Santos. Dahil sa bugso ng damdamin ay nabuo ang isang supling. Hindi pinanagutan ng lalaki ang bata, kaya naman nang isilang ito ni Emelda ay inihabilin nito sa akin ang bata. Kaya nang bumalik ako rito sa Davao ay dala-dala ko ang bata, ikaw iyon Ken. Pinaniwala ko kayong magkakapatid na anak ka namin ng papa mo. Nang dalhin ko rito ang bata, hindi nagduda ang papa niyo dahil sadyang iba ang kutis at mukha ni Ken. Napapansin niyo naman siguro na hindi singkit ang mata niya, mas maputi rin ang kutis niya kesa sa atin. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari, tinanggap niya ang bata. Kaya nga pinabago nito ang pangalan at mula sa Denrick Santos Jr. ay naging Ken Lei Yu.

Nang mamatay ang inyong ama ay naisip ko na hudyat na rin iyon upang sabihin ko sa inyo ang totoo. Mahirap magtago ng isang lihim lalo na kung iyong ang bubuo sa pagkatao ng isang nilalang. Noong nakaraang taon ay nabalitaan kong patay na si Emelda. At si Denrick naman ay mayroon nang sariling pamilya sa Maynila. Kaya Ken, kung nais mong hanapin ang nawawala mong tunay na pamilya ay malaya kang umalis. Hindi kita pipigilan kung iyon ang makakabuo sa pagkatao mo." naluluha ang ina.

Hindi namalayan ni Ken na tumutulo na ang luha niya habang nakikinig sa ina.

"Ma, kayo na po ang pamilya ko wala nang iba. Masaya na po ako sa inyo at sa mga kapatid ko. Kung magkikita man kami ng aking tunay na ama. Ang langit nalang po ang bahala roon. Basta para sa akin, kayo ang pamilya ko." umiiyak na sabi ni Ken.

Naging matiwasay naman ang nangyaring pagpupulong. Parang wala lang nangyari, hindi nagbago ang turing nila kay Ken.

(Ang kasalukuyan)



Inutusan ng ina ni Ken ang magkapatid na Chan at Ken na mamili ng lulutin. Minabuti niyang sa SM Bicutan na ito pagpamalengkehin upang makapamasyal ang magkapatid.

“Tao po.” Nagising ang diwa ni Mrs. Yu sa pa gala-ala sa nakaraan.

“Sino yan?” ganting sagot ni Mrs. Yu

“Si Danilo poi to, yung kapitbahay po ninyo.”

Pinagbuksan ni Mrs Yu si Danilo.

“O Danilo? Anong kaylangan mo? Wala rito si Ken.” bungad ni Mrs Yu.

“Kayo po ang sadya ko.” Sagot ni Danilo na sumilay ang ngiting nahihiya.

“Manliligaw ka sa akin? Naku hijo, hindi tayo meant to be.” pabirong sabi ni Mrs Yu.

Natawa roon si Danilo.

“Kayo po talaga, masyadong palabiro. hahaha.” sabi ni Danilo.

“Naman! Ganyan dapat. Wag masyadong isipin ang probs. Baka malagas lang ang straight 
kong hair pag ganun.” sabi nito na sinabayan pa ng pag-flip ng hair.
namilipit sa kakatawa si Danilo.

“Pasok ka hijo, baka sa kakatawa mo niyan eh matumba ka na jan.” wika ni Mrs. Yu.

“Tita, pwede kop o bang ligawan ang binata niyo? Si Ken po.” diretsong sabi ni Danilo kahit namumula pa bakas ng pag tawa nito.

Doon napahinto si Mrs. Yu sa pagsusuklay sa buhok nito sa harap ng salamin. At napatitig kay Danilo. Medyo nanlaki ang mata nito ng Makita na sincere si Danilo.

“Akala ko joke joke lang yung sinasabi ng anak ko. Seryoso ka talaga hijo?” paniniguri ni Mrs. Yu.

“Seryoso po ako.” sagot ni Danilo.

“Hijo, hindi ganoon kadali ang lahat. Mahirap ang ganoon, siguro naman eh naiintindihan mo ang sinasabi ko diba?” paliwanag ni Mrs. Yu.

“Napag-isipan ko nap o yan, kahit magiging sekreto lang sa marami ang magiging relasyon naming. Kahit kaylangan naming magtago sa marami, ayos lang po sa akin. Kung may gusto man pong manakit sa damdamin ni Ken, ako muna ang makakaharap niya.” matigas na wika ni Danilo.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh buhay niyo yan, atska kung sadyang hindi na mapipigiulang yang bugso ng damdamin niyo, sige. Go. Basta kung kaylangan niyo ako, nandito lang naman ako. Hindi ako aalis sa tabi ng ‘anak’ ko.” Wika ni Mrs. Yu na halatang suportado ang kung ano man ang mabubuo sa dalawa.

“Opo tita, don’t worry. I’ll protect Ken against those who want to hurt him.” may awtoridad na wika ni Danilo sa ina ni Ken.

“Basta tandaan mo, nandito lang ako. Text Text nalang, pag hindi ako nagreply. wala akong load, pasahan mo nalang ako ha?” sabi ng Mrs. Yu.

“Opo Tita!” masayang sagot ni Danilo.

“Basta wala munang sex ha, promise? Mga bata pa kasi kayo para sa ganoon .” sabi ni Mrs. Yu.

Parang nailing bigla si Danilo, prangka talaga ang ginang sa maraming bagay. Kaya siguro close ito sa mga anak niya.

“Opo, promise.” sabi ni Danilo na nagtaas pa ng kamay.

“Sige po Tita, May lakad po kasi ako eh. Alis nap o ako.” paalam ni Damilo.

“Sige, ingat ka.” tugon ni Mrs. Yu.

Nang makaalis ang binate ay napailing nalang si Mrs. Yu. “Mga batang ito oo. iba na nga talaga ngayong mga panahon na ito. Ang gagwapo tapos gwapo rin pala ang hanap. Tsk! hahahaha”

Itutuloy…

Comments

  1. dude ang ganda ng story mo... can't wait for the next chapter to be posted as early as you can! thanks so much...

    ReplyDelete
  2. salamat po ng marami..!!!
    ang sarap naman sa pakiramdam ng may nagkakagusto sa gawa mo...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Samuel

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 2