Posts

Showing posts from June, 2011

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8

Image
After the long period of time! atlast, na ope ko rin ang blog ko.... whew... nakaka sir talag ang pg-aaral sa pagsusulat ko ng story.. now ko lang napansin na hindi ko pala na post ang chapter 8 dito sa blog ko pero nipost ko sa BOL.. hehehehe adik lang... ------------------------------------------------------------------------------ Nagising si Danilo na nakahiga na sa Kama. Nakita niya si Ken na nasa tabi niyang umiiyak. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Danilo. “Kasi nasaktan kita, sorry Danilo, hindi ko sinasadya ang nagyari.” Sabi ni Ken. “Huwag mong sisihin ang sarili mo, nadala ka lang sa emosyon mo. Inaasahan ko nang mangyayari ito Ken, kumusta? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” wika ni Danilo. “Ikaw ang dapat kong kumustahin. Masakit ba ang likod mo tsaka iyong.” Sabay turo ni Ken sa kumot na may bahid ng dugo. Kahit si Danilo ay nabigla sa nakitang dugo. Balewala sa kanya ang nararamdamang sakit dulot ng kalmot ni Ken maging ang “pagkawasak ng kanyang  pagka-lalaki ”. “Na