Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8

After the long period of time! atlast, na ope ko rin ang blog ko.... whew...
nakaka sir talag ang pg-aaral sa pagsusulat ko ng story.. now ko lang napansin na hindi ko pala na post ang chapter 8 dito sa blog ko pero nipost ko sa BOL.. hehehehe adik lang...


------------------------------------------------------------------------------


Nagising si Danilo na nakahiga na sa Kama. Nakita niya si Ken na nasa tabi niyang umiiyak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Danilo.

“Kasi nasaktan kita, sorry Danilo, hindi ko sinasadya ang nagyari.” Sabi ni Ken.

“Huwag mong sisihin ang sarili mo, nadala ka lang sa emosyon mo. Inaasahan ko nang mangyayari ito Ken, kumusta? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” wika ni Danilo.

“Ikaw ang dapat kong kumustahin. Masakit ba ang likod mo tsaka iyong.” Sabay turo ni Ken sa kumot na may bahid ng dugo.
Kahit si Danilo ay nabigla sa nakitang dugo. Balewala sa kanya ang nararamdamang sakit dulot ng kalmot ni Ken maging ang “pagkawasak ng kanyang pagka-lalaki”.

“Naku, hindi na ako virgin.” Pabirong wika ni Danilo at bumangon sa pagkakahiga. Napatingin siya sa orasan. 6:00AM na, mag-iisang oras na rin pala siyang walang malay-tao.

“Sorry talaga Danilo ha, at salamat na rin.” Sabi ni Ken.

“Wala iyon.” Sagot ni Danilo at tumayo na, “Tara ligo na tayo.” Aya ni Danilo kay Ken sabay hila sa kamay nito.

Lalabas na sana si Danilo nang hilain siya ni Ken papasok ng kuwarto.

“Bakit.” Tanong ni Danilo.

Tinuro ni Ken ang pang-ibabang parte ng katawan ni Danilo. Napangisi si Danilo nang makita niyang nakahubad pala siya.

Dinampot ni Ken ang tuwalya nito sa sahig at siya mismo ang nagsuuot kay Danilo.

“Ikaw talaga, maglalakad ka pa sa baba ng naka-hubad.” Nakangiting sabi ni Ken. Sabay tampal sa dibdib ni Danilo.

“Tara na kasi, sabay na tayong maligo.” Parang batang nagmamakaawa si Danilo kay Ken.

“Uhuh, hindi pwede. Maligo ka na dun at mahuhuli na tayo sa klase.” Sabi ni Ken at tinulak na sa pintuan si Danilo.

“Pakiss muna ulit.” Sabi ni Danilo sabay halik sa labi ni Ken.

“Sandali lang, isuot mo ito.” Sinuot ni Ken kay Danilo ang isang maluwang na damit. “Baka may makakita sa mga sugat mo.”

“Hmmmn… opo.”

Sabay na silang pumasok ni Danilo sa paaralan.

Naglalakad na si Ken sa kanlang building. Nasa ika-apat na palapag pa ang kanilang klase. Pag pasok niya sa silid aralan ay nagkakagulo ang mga kaklase niya.

“Hoy Ken! Saan ka ba galling ha? Himala at na-late ka!” sigaw sa kanya ng isa niyang kaklase na si Harvey.

Automatikong napatingin si Ken sa kanyang relo. Late na nga siya ng 30 mins. Alas syiete y media ang klase nila.

“Pumasok ba si Sir?” tanong ni Ken.

“Buti na lang hindi, kasi kung pumasok yun, lagut ka talaga! Doon ka sa labas magkaklase!” sigaw sa kanya ni Harvey.

“bakit ka ba sumisigaw?” tanong ni Ken.

Ngumiti si Harvey. “wala naman. Na miss lang kita.” Sabay tumalikod na ito.

Nagtaka roon si Ken, dahil dati ay ito ang laging kumukontra sa mga idea niya tuwing nagre-recite siya sa klase.

Na-late si Danilo sa klase, buti nalang at kakarating lang din ng prof nila. Late din tio.

Umupo si Danilo sa upuan niya, he smirked as he feels the pain. Dahan-dahan siyang umupo.

Kinalabit siya ng kalsae niya.

“Tol, ayos ka lang? may sakit ka ba?” tanong nito.

“Ayos lang ako, huwag mo akong intindihin.” Sagot ni Danilo sabay ngiti.

Tumango lang ang kaklase niya.

Mabilis tumakbo ang oras alas diyes y media na, uwian na ni Danilo.

Tumunog ang cellphone ni Danilo, hindi niya kilala ang numero na tumatawa.

“Hello?” sagot ni Danilo.

“Hello, Dan. Anong oras ang uwian mo?” tanong ng Daddy niya.

Nagimbal si Danilo nang mabosesan kung sino ang taong kausap niya.

“U-uwian ko na po D-dad, bakit po?” sabi ni Danilo.

“Nandito ako ngayon sa boarding house na inuupahan mo. Umuwi ka na ditto ngayong na.” may autoridad na sabi ng Daddy niya.

“Yes Dad. Mag antay lang po kayo diyan.” Sagot ni Dabilo.

Pakarating ni Danilo sa boarding house ay nakita niya ang magarang kotse na itim. Alam niyang sa Daddy niya iyon. Naiisip niya pa lang na makakaharap niya ang Daddy niya sa araw na iyon ay nanginginig na ang tuhod niya.

Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa bahay.

Nakita niya ang Daddy niya na nakikipagkwentuhan sa mga ilang ka-boardmate niya.

“Uy! Danilo, hindi mo sa amin sinasbi ha! Rich ka pala!” sabi sa kanya ng isa niyang ka-boardmate.

Ngiti lang ang isinagot ni Danilo.

“Dad, tara doon po tayo sa kuwarto ko.” Yaya ni Danilo sa Daddy niya.

Nasa silid na sila. Nagsalita agad ang kanyang Daddy.

“Dan, hindi mo kaylangang tumira sa ganitong lugar para lang patunayan sa akin na kaya mong mamuhay ng mag-isa. Umuwi ka na sa bahay, please?” pakiusap ng kanyang Daddy.

Hindi sumagot si Danilo.

“Anak, nabigla lang naman ako, hindi ko lang kasi matanggap noong una ang katotohanan tungkol sa’yo. Alam kong nasa akin ang pagkakamali. Simula nang maglayas ka sa bahay ay pinahanap kaagad kita.” Paliawanag ng ama.

“Kinahihiya mo ako diba Dad? Sabi mo, wala kang anak na katulad ko. Na hindi kaylanman nagkaroon sa lahi natin ang pagkakaroon ng berdeng dugo.” May hinanakit ang salita na bitiwan ni Danilo.

“Anak, nabigla lang talaga ako, patawarin mo na ako. Please, umuwi ka na sa bahay. Kahit ano ka pa, hindi maikaka-ilang anak nita Dan. Dugo ko pa rin ang nanananalaytay sa mga ugat mo.” Naluluhang wika ng Daddy ni Danilo. “Mahirap lang din tanggapin sa aking banda na binansagan akong playboy dati sabay bading pala ang anaka ko. Nadala lang ako ng rpide ko anak.”

“Huwag kayong mag-alala Dad, uuwi rin po ako sa atin.” Sabi ni Danilo na agad na ikinaliwanag ng mukha ng kanyang ama.

“Ngunit hindi pa sa ngayon.” Tuloy na pagssalita ni Danilo.
Bumagsak ang balikat ng Daddy ni Danilo sa narinig.

“Kung iyan ang magpapaligaya sa yo anak.” Sabi ng Daddy niya. Tatalikod n asana ito nang magsalita si Danilo.

“Dad..”

“Na-miss ko po kayo.” Naluluhang wika ni Danilo na niyakap ang Ama.
Simula nang mamatay ang kanyang ina ay hindi na nagasawa ang kanyang ama, walong taong gulang noon si Danilo. Lagi itong nakasubsob sa trabaho kaya maging siya ay hindi na napapansin nito. Nalaman nito kung ano ang tunay niyang kulay nang umuwi ito sa bahay nila mula sa business meeting. Buong akala ni Danilo ay hindi ito uuwi kaya dinala ni Danilo ang kaibigang lalaki niya sa bahay nila. Nakita sila ng Daddy niya sa alanganing tanawin.
Nasa may sofa sila noon at nakaupo ang kaibigan niya at siya nama’y nasa ibabaw nito. Kahit hindi naman sil nakahubad ay kita naman ang malaswang posisyon nila na agad na ikinagalit ng Daddy niya.

Kung hindi nakatakbo ang kaibigan ni Danilo nang sugurin ito ng kanyang Daddy, siguro ay bugbog sarado na ito.

Siya naman ay naka yuko lang sa sahig. Inaasahan niya ang katakut takot sa sermon o kaya’y sapak. Ngunit hindi niya naramdaman ang kahit saan sa dalawa. Nang tumingala siya ay wala ang Daddy niya.

Pinuntahan niya ito sa Kuwarto nito at doon nakita niya ang kanyang Daddy na nahihirapan huminga. Agad na dinaluhan niya ito.

“Huwag mo akong hahawakan! Wala akong anak na katulad mo!” asik ng kanyang Daddyu sa kanya.

“Dad, dadalhin ko po kayo sa ospital.” Agad na tumawag sa ospital si Danilo para sa Ama.

“Pabayaan mo ako, hindi kita anak! Wal;a akong anak na immoral! Lumayas ka sa pamamahay ko!” sigaw ng kanyang ama.

“Daaad!” namutla si Danilo at hindi alam ang gagawin nang bumagsak sa sahig ang kanyang ama.

Sa kasalukuyan.

“Dad, masaya kaya ditto sa tinitirhan ko ngayon.” Masayang kuwento ni Danilo.
Ngayon lang sila nagkaroon ng kanyang ama na magkuwentuhan ng ganoon simula nang mamatay ang kanyang ina.

“Halata nga anak. Ngayon lang kita nakitang ganyan kalaki ang ngit. Simula nang mamatay ang mommy mo eh hindi na kita nakitang ngumiti. Sige magkuwento ka pa.” sabi ng kanyang Daddy.

“Tapos Dad, may nakilala akong lalaki.” Napahinto roon si Danilo at napatingin sa Daddy niya. Blangko ang reaksyion nito.

“Ituloy mo.” Kalmadong wika ng Ama at ngumiti.

Nagkaroon ng assurance si Danilo na ayos lang s kanyang ama.

“Ken po ang pangalan niya Dad, diyan lang po siya sa kabilang pinto. Alam niyo Dad, noong 
Makita ko pa lang siya. Ang gaan na agad ng looob ko sa kanya. Feeling ko nga para kami sa isa’t-isa.” Masiglang kuwento ni Danilo sa Daddy niya.

Tumawa ang kanyang Daddy. Nagulat roon si Danilo.

“Alam mo anak, ganyan din ang naramdaman ko nang una kong makilala ang Mommy mo. Ang pinagkaiba lang eh lalaki yung sa iyo.” Sabi ng kanyang Ama.

“Dad, gusto ko pong makilala mo siya.” Sabi ni Dabilo.

“Ngayon na?” tanong ng ama.

“maya-maya po, uwian niya po ng 4:30.” Sabi ni Danilo.

“Sige anak, wala akong appointment ngayong araw.” Sagot ng kanyang Daddy.

Nagkukuwentuhan sila Danilo kasama ang Daddy niya sa kanyang silid nang dumating si Ken.

Nagtaka si Ken kung sino ang kasama ni danilo sa loob ng silid nito.

Nagbihis agad si Ken, pupuntaha niya si Danilo upang kumustahin ang mga sugat nito.

“Tok-tok-tok.”

Agad na bumukas ang pintuan ng silid ni Danilo ngunit hindi si Danilo ang nabungaran niya. 

Para itong older version ni Danilo magkamukha ang mga tio maliban sa mata at labi. Na-realize niya Daddy ito ni Danilo kaya nagbigay galang siya.

“Magandang hapon po.” Bati ni Ken, ngayon lang niya nakita ng kaharap.

“Magandang hapon din hijo.” Bati nito. Napaka pormal ng pagbati nito na ikina-ilang ni Ken.

“Uy! Ken ikaw pala iyan!” sabi ni Danio na nasa likod ng Daddy nito.

“Dad, si Ken po, Ken daddy ko.” Pagpapak9ilala ni Danilo sa dalawa.

“Nice meeting you po, ako po si Ken.” Sabi ni Ken.]

“Me too.” Maiklang sabi ng Daddy ni Danilo na nakatingin lang s mukha ni Ken.

Maging si Danilo ay nagtaka.

“Ano ang buo mong pngalan hijo?” tabong ng Daddy ni Danilo.

“Ken Lei Yu po. Bakit po?” Sagot ni Ken kahit nagtataka.

“Wala naman, hindi halata na may dugo kang Chinese.” Sbi Lng ng daddyu ni Ken.

Ngumiti lang si Ken.

“Sige po, aalis na po ako, my gagawin pa po kasi ako. Kinumusta ko lang po si Danilo.” Paalam ni Ken sa kausap.

“Sige hijo.” Sabi ng Daddy ni Danilo.

Nang maka-alis si Ken ay nagtanong si Danilo.

“Dad, bakit mop o tinanong ang tunay na pangalan ni Ken?”

“May kahawig ;ang siya anak.” Sagot nito.

“Ahhh… Ang bait niya Dad no?” wika ni Danilo.

Tumango lang ang ama. Ngunit malalim pa rin ang iniisip nito.


Itutuloy…

Comments

Popular posts from this blog

Samuel