Samuel

Klan! Klang! Klang..!
Kasabay ng pagkalembang ng kampana ng simbahan ang pagkalam ng simkura ng batang si Samuel. Isang sampung taong gulang na lalaki, ulila na sa tatay at may isang nakakababatang kapatid na babaeng nasa pitong taong gulang palang. Naninirahan sila sa bangketa at gamit ang isang kariton na nagsisilbi nilang tahanan sa gabi.
Tanaw na tamaw si Samuel ang mga taong nagsisimba sa lumang simbahan na kung saan tinatalakay ng pari ang tunay na diwa ng pasko. Pag mamahalan, pagbibigayan at pagpapatawad.
Natapos na ang misa, hudyat na ito ng mga batang katulad musmos upang lumapit sa mga tao upang humingi ng limos.
"Ate palimos po." maamong sambit ni Samuel sa isang ginang.
"Ay, wala akong pera!" sagot ng ginang at lumakad na wari'y isang donya.
Lumakad si Samuel patungo sa may kalsada at sumabay sa mga tao upang humingi ng limos.
"Kuya palimos po." kalabit ni Samuel sa isang binata.
"Eto oh, kaawaan ka ng Diyos." sambit ng lalaki sabay abot ng limampung piso.
Labis ang galak ni Samuel sa natanggap na salapi. Ni minsan ay hindi pa sya nakakatanggap ng ganon kalaking halaga.
Minabuti ni Samuel na umuwi na sa kanilang tahanan, ang kariton na kung araw ay ginagamit ng kanyang ina at kapatid sa pangongolekta ng bote't dyaryo.
Madilim ang lansangang nilalakad ni Samuel patungo sa kanilang tahanan. Naroon ang mga naghahabulang daga, amoy burak at nagkalat na basura.
Nang makarating si Samuel sa kanilang tahanan na sa tabi ng isang lumang gusali at ni walang dumadaan na tao dito, nakita niyang pinapatulog ng kanyang ina ang kaniyang kapatid. Alam niyang tulad niya'y kumakalam rin ang tiyan nito sa labis na gutom.
Nakabiruan na lang nilang mag ina na pag sila'y nagugutom nababanggit nalang nila ang mga katagang, "yaan mo, lilipas rin 'to."
"Nay gisingin mo si Monay dali, malaki yung nabigay sakin ng lalaki kanina sa simbahan, may panghanda na tayo sa pasko." masiglang wika ni Samuel sa ina.
"Naku Samuel, buti naman at dumating ka na at kanina pa to nag iiyak kakahintay sayo." sagot naman ng ina na ginigising ang kanilang bunso.
"Kuya! Asan na yung sorpresa mo sakin?" bibang pagtatanong ni Monay ka kuya.
"Eto na nga eh, samahan mo ko dali. Bilhin natin yung paborito mong spaghetti at tinapay.
Magkahawak kamay ang dalawa sa pagpunta ng tindahan. Nang matanaw nila  tindahan ay dali-dali silang nanakbo upang bumili. Eto na ang magsisilbing handa nila sa pagsalubong sa Pasko.
Masayang masaya ang dalawa sa paglalakad habang pauwi nang may makasalubong silang nagtatakbuhang mga kabataan. Waring nagkakagulo, may mga bitbit ang iba ng sumpak, mga bote, tabla at iba pa.
Ang alingawngaw ng putok ng sumpak ay waring sumabay sa putukan ng mga kuwitis at ibang uwi ng paputok.
Agad na niyakap ni Samuel and kapatid at kinabig papunta sa gilid ng poste upang hindi sila madamay sa gulo. Waring mga sanggol ang dalawa na nakayupyop at takip ang mga tenga at matang nakapikit dahil sa takot.
Lumipas ang halos isang oras na batuhan, barilan, bugbugan. Isang tanawin ng puro karahasan na ayaw nilang masaksihan. Niyakap niya lalo ang makapatid na labis ang panginginig ng mga sandaling iyon. Nang matapos ang gulo, dinilat ni Samuel ang mga mata, mga nagkalat na basag na bote tabla at mga bakas ng dugo.
Kinalabit ni Samuel ang kapatid na nakayuko parin.
"Monay, wala na sila tara na uwi na tayo." ngunit tila walang tugon ang kanyang kapatid.
"Monay tara na, baka nag aalala na satin si nanay." malambing na wika ni Samuel.
Nang ayaw parin tumugon ng kapatid ay pinangko niya na ito. Hindi agad napansin ni Samuel ang tama ng bala ng sumpak sa dibdib ng kapatid. Nang makita niyang sumuka ng dugo ang kapatid, waring umakyat lanag ng dugo sa mukha niya sa labis na kaba at takot.
Dali-dali siyang nanakbo patungo sa kanilang tahanan habang nasa mga bisig ang kanyang nakababatang kapatid.
"Naaaaaaay!!!! Naaaaaaaay!!! Si Monay!" sigaw ni Samuel nang matanaw niya ang kariton na kung saan nakaupo ang kanyang inay.
"Naaaaaay!!!" walang tugon na nakuha si Samuel sa kanyang ina.
Nang marating ni Samuel ang kanilang tahanan, dali-daling nitong nilapag ang kapatid sa gilid ng kalsada at pinuntahan ang kaniyang ina. Nakayuko ito at nakapikit.
"Naaaaay! Gumising ka!!!" umiiyak si Samuel habang niyuyugyog ang balikat ng kanyang ina.
Doon niya napansin ang sugat sa ulo ng kanyang ina. Makikitang may nakabaon na bubog sa sugat nito.
Waring isang masamang panaginip ang nangyari sa kanilang pamilya ng gabing iyon.
Agad na nanakbo si Samuel para humingi ng tulong. Nang sa mga oras na iyon ay wala nang ibang iniisip si Samuel kundi iligtas ang kanyang pamilya mula sa kamatayan.
Nang patawid si Samuel sa kalsada ay isang malakas na busina ang gumising sa kanyang diwa at napaupo sa kalsada.
Labis na takot ang kanyang naramdaman nang makita ang malakas na ilaw ng headlights na isang dangkal nalang ang layo mula sa kanyang mukha.
Lumabas ang lalaking nagmamaneho ng sasakyan.
Eto rin ang lalaking nag abot sa kanya ng lumampung piso sa simbahan.
"Boy ok ka lang?!" agad na tanong ng lalaki habang papalit kay Samuel.
Hindi pa rin nakaka imik si Samuel sa sobrang takot. Nakita ng lalaki ang dugo sa damit ng bata at sa mga kamay nito, kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa ospital.
Nang maisakay si Samuel, waring nagbalik sa kanyang ala-ala ang sinapit ng kanyang ina at kapatid.
"Kuya saklolo!!!!" sigaw ni Samuel na parang nagising mula sa isang bangungot.
"Kuya si Monay at si Nanay, kailangan nila madala sa ospital." umiiyak na pakiusap ni Samuel sa lalaki.
"Ha? Bakit anung nangyari? Tara saan ba sila?" Nalilitong tanong ng lalaki.
Agad namang tinuro ni Samuel ang daan at nang marating nila ang kanilang tahanan, agad nilang binuhat pasakay ng sasakyang ang kanyang ina at kapatid.
Dead on arrival ang kanyang ina at sa ospital naman binawin ng buhay ang kanyang kapatid.
Yakap yakap siya ng lalaki habang hindi naman mapigil sa pag agos ang kanyang luha sa labis na pagdadalamhati. Bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga panahong masaya silang pamilya. Simple, mahirap pero nakakaraos sa pang araw-araw.
Nang tumahan na ang bata ay minabuting isama ito ng binata sa kanilang tahanan.
Inasikaso na rin ng binata ang pagdala ng mga bangkay morge upang maayusan ito para sa lamay.
Habang lulang sila ng sasakyan pauwi sa tahanan ng binata. Tulala parin si Samuel habang patuloy na umaagos ang luha sa kanyang mga mata.
Nakapa ni Samuel ang supot ng pansit sa kanyang bulsa. Agad na namang naramdaman ni Samuel ang sakit na waring pinipiga ang kanyang puso sa labis na pagdadalamhati.
Nang makauwi sila sa bahay ng binata. Namangha si Samuel sa nakita, malayung-malayo ito sa kanilang tahanan.
Ang bahay ay may dalawang palapag na napapalamutian ng mga bumbilyang waring sumasayaw.
Inakay siya ng binata patungo sa loob ng bahay na naroon at nag aabang ang pamilya nito.
Masaya, maingay at magarbo ang nakikita ni Samuel mula sa mga ito.
"Oh anak anong nagyari sayo, bakit puro dugo ang damit mo?!" nagpapanic na tanong ng ina nito.
"Ma, may tinulungan ako. Yung ina at kapatid ng batang ito. Dinala namin sa ospital. Pero binawian rin sila ng buhay" paliwanag ng binata sa ina.
Doon napansin ng ginang ang batang lalaki sa tabi ng binata.
Labis na naantig ang puso ng ginang sa kanyang nakikita.
Ang maamong mukha ni Samuel na nababalutan ng dugo ang damit at namumugto nitong mga mata.
"Hijo, halika. Anong pangalan mo?" lumuhod ang ginang upang magkasing pantay sila ni Samuel.
"Samuel po." mahinang sagot ni Samuel.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa pamilya mo. Hayaan mo, simula ngayon kami na ang magiging pamilya mo. Ok lang ba yun sayo?" sambit ng ginang na may mainit na ngiti.
Nanubig ang mga mata ni Samuel at agad na niyakap ang ginang. Pahikbing tumango ang bata.
Nailibing naman ng maayos ang ina at kapatid nito. Kahit masakit, alam ni Samuel na kailangan niyang magpatuloy sa buhay.
Piang aral siya ng pamilyang kumupkop sa kanya. Inasikaso rin ng mga ito ang pag-aampon sa kanya.
Ang binatang tumulong sa kanya ang tumayong bago niyang kapatid.

Mabilis na lumipas ang panahon. Nakapagtapos si Samuel ng kursong Business Management at kasalukuyan na siyang namamasukan bilang manager sa isang restaurant.
Bisperas ng pasko, dumaan muna si Samuel sa simbahan upang magpasalamat at upang ipagdasal na rin ang namayapa niyang ina at kapatid.
Klang! Klang! Klang!
Hudyat na tapos na ang misa.
Kasabay ng pagkalembang ng kampana ng simbahan ang pagkalam ng simkura ng batang si Aaron...

-the End

Comments

Popular posts from this blog

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8