Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan Part 3
Walang pasok si Ken, at uuwi ang Ina niya maya-maya pati na rin ang kuya niya. Alas-seis palang bumangon na siya upang magluto. Alam niyang gutom ang dalawa pag-uwi.
Bit-bit ang super kalan, bumaba siya. At siyampre isang lingon muna sa katapat na kuwarto kaso sarado pa. Sa ibaba nag luto si Ken. Kasabay niya sa kusina ang mga ka-boardmate.
“Good morning po.” Bati ni Ken sa mga ito.
“Good morning din.” Wika ng mga ito.
“Ken diba ngayon ang uwi ng mama mo at kuya mo?” tanong ni Kuya Andrew, isa sa mga ka-boardmate niya.
“Opo kuya, kaya nga magluluto ako ngayon eh.” Masiglang wika ni Ken.
“Wow naman, anong lulutuin mo.? Tanong ulit nito.
“Adobong manok ginisang talong, at salad na pipino.” Sagot ni Ken.
“Naks naman! Sana nag-HRM ka pala. Natikman ko na dati yung luto mo at masarap ha.” Papuri nit okay Ken. Agad naming nagsi tanguan ang mga iba pa.
“Asus! Gusto niyo lang ata makalibre ng agahan eh! Hahahaha!” wika ni Ken.
“Parang ganon na nga.” Ganti ng mga ito.
Iiling-iling habang lumalabas para bumili ng lulutuin. May malapit na talipapa sa kanila, doon siya bumubili ng niluluto
kung sinisipag siya.
Adobong manok ni Ken
2 kilo ng manok
Isang ulo ng bawang
Paminta
Toyo
Asin
Suka
Mantika
Oyster sauce
Laurel leaves
Ginisang talong…
Talong
Bawang
Sibuyas
Kamatis
Itlog
Asin
Mantika
At para sa pipino…
Pipino
Sibuyas, hiniwa ng pino
Luya, hiniwa ng pino
Suka o kalamansi
Asin
Habang nagluluto si Ken ng talong ay isa-isa nang nagpapa-alam sa kanya ang mga ka-boardmate niya. Inuna niyang iluto ang adobo para naman matikman ng mga ito. Nagtabi siya para sa kanilang pamilya at para na rin kay Danilo.
“Hmm… parang ang sarap naman ng amoy na yun. Sino kaya ang nasa baba?” tanong ni Danilo sa sarili. Kakalabas niya lang ng silid niya. Wala rin siyang pasok.
Bumaba siya at nakita niya si Ken, nakaharap sa superkalan at katatapos lang magluto.
"Si Ken pala, ang cute niya talaga ang bait pa. hindi ko alam marunong rin pala siyang magluto." Kausap ni Danilo sa sarili niya habang pinagmamasdan si Ken.
Kumakanta si Ken.
♪♪There was nothing to say, the day she left. Just fill the suitcase full of regrets. I hailed a taxi in the rain looking for someplace to ease the pain. Then like an answered payer. I turn around and found you there…♪♪
Literal na umikot si Ken habang hawak ang sandok. Nagulat siya, he found Danilo smiling at him, stands only few meters away. naka walking short ito at naka sando pang itaas. Makinis ito, halatang kutis mayaman. Clean cut ang buhok, maganda ang pangangatawan, kasing tangkad niya, may dimples. Panalo! medyo sungki lang ang ngipin pero mas nakadagdag yun sa x-factor nito.
Itinuloy ni Danilo ang kanta...
♪♪You really know where to start, fixing a broken heart...♪♪
Naglakad ito palapit kay Ken at hinawakan ang dalawa nitong kamay.
♪♪you really know what to do. You'r emotional tool, can cure any fool whose dreams had fallen apart, fixing a broken heart..♪♪
Naramdaman nalang ni Ken ang mga labi ni Danilo sa mga kamay niya. At nakisabay na siya sa kanta.
♪♪Now i don't understand what I'm going through. There must be a plan that lead me to you. Because the hurt's just disappeare in every moment that you are near. Then like an answered peayer. you make the lonliness easy to bear. You really know...♪♪
"Ahermm...!"
Itutuloy...
Comments
Post a Comment