Posts

Showing posts from June, 2018

Samuel

Image
Klan! Klang! Klang..! Kasabay ng pagkalembang ng kampana ng simbahan ang pagkalam ng simkura ng batang si Samuel. Isang sampung taong gulang na lalaki, ulila na sa tatay at may isang nakakababatang kapatid na babaeng nasa pitong taong gulang palang. Naninirahan sila sa bangketa at gamit ang isang kariton na nagsisilbi nilang tahanan sa gabi. Tanaw na tamaw si Samuel ang mga taong nagsisimba sa lumang simbahan na kung saan tinatalakay ng pari ang tunay na diwa ng pasko. Pag mamahalan, pagbibigayan at pagpapatawad. Natapos na ang misa, hudyat na ito ng mga batang katulad musmos upang lumapit sa mga tao upang humingi ng limos. "Ate palimos po." maamong sambit ni Samuel sa isang ginang. "Ay, wala akong pera!" sagot ng ginang at lumakad na wari'y isang donya. Lumakad si Samuel patungo sa may kalsada at sumabay sa mga tao upang humingi ng limos. "Kuya palimos po." kalabit ni Samuel sa isang binata. "Eto oh, kaawaan ka ng Diyos." sambit ng