Mahapding nakaraan, masakit na katotohanan part 10

“It takes time to heal a broken heart”

Mabilis na lumipas ang panahon at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sina Ken at Danilo. Naipasa ni Danilo ang qualifying exam ng kanilang escuelahan, si Ken naman ay napabilang sa Dean’s list sa nakaraang taong.

Araw ng Linggo, pahinga ng mga boardmate nila Danilo at Ken.
“Ken andami mo atang labahan?” tanong sa kanya nga isa sa boardmate ni Ken na sa Alex. Nasa bente-otso na ito. Sa unag tingin ay mapagkakamalan mo itong modelo dahil sa katawan nito. Hindi naman kalakihan ang katawan pero mamasel.
“Oo nga po kuya eh. Dalawang Linggo po akong hindi nakapaglaba eh. Masyadong busy sa school.” Sagot ni Ken na mas maliwanag pa sa araw ang mukha.
“Ansaya mo pa sa lagay nay an ha? Padagdag naman to sa labahan mo oh. Hehehe!” Biro sa kanya ni Kuya Alex.
Napadako ang mata niya sa matitingkad na kulay ng brief at maiiksing shorts na may mga punit at butas. Hindi basta-basta punit lang yun dahil mukhang design. Kaya napakunot noo si Ken.
“Nagtataka ka kung bakit may ganito ako?” Tukso sa kanya ni Kuya Alex.
“Medyo. Hehehe.” Sabi nalang ni Ken pero nasa isip niya kung ano ba talagha ang trabaho ni Kuya Alex.
“Halika, may sasabihin ako sa yong sekrato.” Sabay senyas kay Ken na lumapit.
Tumawo si Ken. Mas matangkad sa kanya si Alex ng mga dalawang pulgada. Lumapit sa tenga niya ang mukha nito sabay hinipan ang tenga niya.
Nagulat si Ken at napaigtad.
“Buwahahahaha!” malademonyong tawa ni kuya Alex ang narinig ni Ken.
“Bakit mo ginawa yun? Oh nasan ang sekreto dun?” tanong ni Ken
“Sekreto nga diba?” asar sa kanya ni Kuya Alex.
“ bahala ka nga…” bumalik na so Ken sa pagkakaupo at hindi niya namalayan ang paglapit ni Kuya Alex sa sa likod niya sabay bumulong.
“Malalaman mo mamaya…”

“Malalaman mo mamaya…” paulit-ulit na mga slita ang nasa isip ni Ken hanggang matapos siyang maglaba. Natapos na siyang magsampay nga maalala niyang tawagan si Danilo. Wala ito sa kuwarto nito. Ang alam niya eh nasa bahay nila ito at kasama ang ama, may inaasahan raw kasi silang bisita na magnggaling pang ibang bansa.
·        

“Hello?” sabi ni Ken.
“Yes hello?” sagot ng nsa kabilang linya.
Ngulat si Ken dahil iba ang nakasagot. Lalaki ang sumagot at barito ang boses nito na paos, mala-DJ sa radio station.
“Uhm pwede po makausap si danilo?” pakiusap ni Ken.
“He’s with his father discussing some important matter. He left his phone here at the dining area.” Sagot ng nasa kabilang linya.
Hindi mlaman ni Ken ang sasabihin. Parang kilala niya an gang kausap niya pero hindi.
“Ahhh…” nasabi nalang niya.
“May I know whose calling?” tanong ng lalaki.
“I’m Ken.” Sagot ni Ken.
“So are you the Ken that Danilo always talk about with me?” tanong ng lalaki.
Nagtaka si Ken dahl parang kilalang-kilala siya nito. Kung magsakita ito ay akala mo close na sila dati pa.
“I don’t think so if I’m that one.” Sagot ni Ken.
“OK, hahaha. I will tell dan that someone named Ken called him.” Sabi ng lalaki.
“Thank you, bye.” Agad na ibinaba ni Ken ang tawag.
Napatitig na lang si Ken sa cellphone niya.
“sino yun?” tanong niya sa isip.

Dahil day-off ng lahat ng mga boardmates ni Ken. Halos lahat ay tulog o di kaya’y nasa mall, kapitbahay, salon.
Nanatili lang si Ken sa cuarto niya matapos niyang maligo at magbihis ng pambahay. Naka jersey short niya na red at naka v-neck shirt habang nagbabasa ng mga lessons na naisulat niya sa kanyang notebook. Bigla niyang naalala ang mga katagang sinabi sa kanya ni Kuya Alex. Niligpit niya ang kanyng ga gamit at nagpasyang akyatin sa cuarto si kuya Alex.
Paglabas niya ng silid, sarado ang katapat niyang pinto. Ang pinto ng silid ni Danilo, sarado rin ang dalawa pang pinto. Sa pag kaka alam niya, umuwi ng probo\insiya ang sa isang silid.
Pumanhik siya sa ikatlong palapag, bakante ang isang silid doon, apat bawat silid kada palapag. Katabi ng bakanteng pinto ang silid ni Kuya Alex.
Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Alex.
“Oh, Ken!” gulat na sabi ni Alex. “Naparito ka?”
“Ahm, kuya kukunin ko sana yung mangkok na pinaglagyan ko ng ulam dati.” Palusot ni Ken.
“Ay oo nga pala! Hehehe! Iniisip ko nga kung kanino yang mangkok eh, nakalimutan ko kasi”  paliwanag ni Alex
“Ah ganon ba? Ikaw kuya ha, kung hindi ko pa aakyatin hindi mo pa ibabalik. Hehehe.” Pang-aasar ni Ken.
Biglang namula si Alex, “Halika, pasok ka, ikaw na ang kumuha.” Aya ni Alex.
Pagpasok ni Ken napansin agad niya ang ayos ng silid. Organized ang mga gamit, mabango, at lalaking-lalaki ang ambiance.
“Wow kuya, ang ayos ng cuarto mo ha!” puri ni Ken.
Napakamot sa ulo ni Alex sabay pinalo sa pwet si Ken.
“Sige na, kuni mo na yung mangkok mo!” natatawang sabi ni Alex.
Nakuha nan i Ken ang kanyang mangkok at palabas na siya ng pinto ng biglang humarang si Alex.
“Bakit kuya?” tanong ni Ken.
“May pasok k aba bukas?” tanong ni Alex.
“Wala po bakit?” balik tanong ni Ken.
“Pwede ba kita ayaain ng inuman?” tanong ni Alex.
“Saan naman?” tanong uli ni Ken.
“Dito sa cuarto ko, gusto talaga kita makainuman at maka-kwentuhan eh.” Sagot ni Alex.
“Sige po kuya, hehehehe. Mukhang isang maboteng usapan to ah. Uwi muna ako, ilo-lock ko lang yung pinto ng cuarto ko” paalam ni Ken.

Comments

Popular posts from this blog

Samuel

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8