Mahapding Nakaraan, masakit na Katotohanan Part 9


Hello po sa lahat,
 I would like to apology for I did not continuously posted the next chapter of this story. 
Medyo nahirapan sin ako sa pag iisip ng idudugtong hehehe,, sa pagkaka alala ko, January 1, 2011 po pinost yung last chapter. Ilang readers na rin sa blog ko ang kinakalmpag ang inbox ko sa FB para sabihin na dugtungan ko na to. Hehehe.. eto na po. J

Nagkaroon lang ng personal problem at busy rin sa pag-aaral-aralan. Hehehehe…
5555555555555555555555555555555555555555555555
Ang nakaraan…


Habang nananghalian sa canteen ng factory na pinapasukan ni Mrs. Yu, biglang lumapit sa kanya ang kasama niya sa trabaho. Hndi niya ito close pero sa tanda niya dalaga ay alam niyang tinuturing siya nito na ate.

“Ate may problema po ako.” Bungad ng may kabataang dalaga kay Mrs. Yu.
“Huh? Ano naman yun hija? Sabihin mo sa akin.” Sagot ni mrs. Yu.
“Pwede po ba mamaya nalang natin pag usapan?” hiling ng dalaga.
“Sige. Mamaya sumama ka sa boarding house na inuupahan ko. Doon natin pag usapan. OK?” sabi ni Mrs. Yu.

Tango lang ang sagot ng babae at tumayo na.

Sa aura pa lang ng babae ay nahuhulaan nan i Mrs. Yu kung ano ang pinagdadaanan nito. Namumutla ito at waring walang tulog. Hindi basta-basta ang problema nito.


Sa boarding house ni Mrs. Yu niya dinala ang dalaga.

“Halika, pasok ka.” Yaya nito sa dalaga.
Tahimik lang ang dalaga na pumasok at nagmasid sa mga gamit sa loob ng kuwarto.

“Tara, kainin na natin tong binili nating hapunan at baka lumamig pa ito.” Wika ni Mrs. Yu.
Pinagsaluhan ang binili nilang liempo, mainit na kanin at Coca-cola na litro.

Matapos kumain ay hindi pa rin kumikiba ang dalaga. Kaya minabuti ni Mrs. Yu na iligpit muna ang pinagkainan.

Matapos magligpit ay tinabihan niya ito sa pagkakaupo.

“Alam mo hija, kung ano man yang nararamdaman mo, mas maiging ilabas mo yan. Kesa kinikimkim mo yan. Ikaw rin ang maapaktuhan. Hindi mabuti sa isang buntis ang stress.” Wika ni Mrs. Yu sa siguradong tono.

Doo’y napalingon sa kanya ang dalaga,]

“Paano niyo po nalaman na iyon ang problema ko,? Tanong sa kanya ng dalaga.

“Hindi ako pinanganak kahapon hija. Alam ko ang mga ganyang aura, yang pamumutla mo ay hndi sanhi ng anemic.” Paliwanag ni Mrs. Yu.

Humagulgol na ang dalaga, “tulungan niyo po ko. Hindi ko pa po kayang maging ina, hndi pa po ako handa.”

Inalo ni Mrs. Yu ang dalaga. “Maari ko bang malaman kung sino ang ama ng dinadala mo?” tanong nito.

“Si Sir Denrick po.”

“Ha? Si boss ang ama ng dinadala mo?” gulat na wika ni Mrs. Yu.
Tango lang ang isinagot ng dalaga. At humagulogol na ito.
Matapos ang mahabang oras ng hagulogol ay medyo gumaan na rin ang pakiramdam nito. Inabutan ito ni Mrs. Yu ng isang baso ng tubig.

“Maraming salamat po ate.”

“Ano na ang plano niyo ni Sir tungkol jan sa dinadala mo?”

“Ayaw niyang panagutan ang bata. Isa raw malaking pagkakamali ang anak naming. Sa susunod na Linggo ay plilipad na siya papuntang America. Doon ay siya ang magpapatakbo sa Family Business nila.” Salaysay ng dalaga.

“Alam ba ng magulang ni boss yang kalagayan mo?” tanong ni Mrs. Yu.

“Hindi po, pero ang alam po nila ay magkasintahan kami, kaso yaw nila ako para sa anak nila. May pakakasalan na raw ang anak nila. Ate, gusto ko pong ituloy ang pagbubunits pero ayaw kong ako ang magpalaki sa kanya.” Wika ng dalaga.

Nabigla man ay hindi na iyon pinahalata ni Mrs. Yu. Mukhang alam niya na kung ano ang kaylangan ng dalaga sa kanya.

“Gusto mo siyang ipaampon sa akin kung ganon?” tanong ng Mrs. Yu.
Tumango ang dalaga…

Iniluwal nga ng dalaga ang bata at pingalanang Denrick Santos Jr. Sa osital isinilang ni Emelda ang bata, matapos ng kanyang panganganak ay minabuti niyang umalis na sa pinagtatrabahuan at hanapin ang kanyang kapalaran. Labis siyang nasaktan sa ginawa ng kanyang novio. Hindi niya inaasahan na hindi siya nito kayang ipaglaban sa magulang nito.

Lulan ng bus si Emelda papuntang Baguio, doon niya naisipang pumunta upang makipagsapalaran. Naisip niya na ang lamig ng clima ditto ay gagawing manhid ang puso niya at makakalimutan ang kaniyang novio.

“Rick, mahal mo ba ako?” tanong ni Emelda sa novio.

“Hindi lang kita mahal Eme, mahal na mahal kung alam mo lang.” sagot ni Rick.
Iyon ang tagpong naaalala ni Emelda, iyon ang huling araw na maayos ang relasyon nila. Kasalukuyan silang nasa Parke noon.

Ring! Ring!

Sinagot ni Emelda ang tawag, hindi naka rehistro ang numero sa kanyang cellphone.

“Hello, Hija?” sabi ng nasa kbilang linya.

“Hello? Sino poi to.” Tanong ni Emelda.

“Ang mommy ito ni Rick” sagot ng nasa kabilang linya.

“Napatawag po kayo?” tinatambol ang dibdib ni Emelda sa kaba, iba ang tono ng pananalita nito. Waring may mangyayaring hindi maganda.

“Nakikiusap ako sayo hija. Layuan mo na ang anak ko. Ipapadala siya naming ng Daddy niya sa Amerca upang siya ang mamahala sa aming negosyo roon. Ayaw niyang pumyag dahil sa’yo. Ayaw ko naman umabot sap unto na pagbantaan pa siya ng ama niya na mawawalang siya ng mamanahin. Hija, please. Layuan mo na ang anak ko.” Humahagulgol na ang nasa kabilang linya.

Natulala na lang si Emelda at hindi niya na nasagot ang kausap. Minabuti niyang patayin ang kanyang cellphone.

Pumayak na ang luha ni Emelda dahil sa masakit na ala-ala. Hindi na sila nag kausap pa ni Rick dahil ang kapatid na nito ang namahala sa pinapasukan niyang factory.
Nasa kalagitnaan ng pag eemote si Emelda ng may sumigaw na

“Hold-up to!”

Isang putok ng baril ang huling narinig ni Emelda bago nahulog ang bus sa bangin.

Itutuloy…

Comments

Popular posts from this blog

Samuel

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8