Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 6
narito na po ang karugtong ng kwento nila Ken at Danilo feat. chan,, hahahah!!!
hindo ko pala siya na publish,, sorry po..
---------------------------------------------------------------------------------
“Ma mano po.” Bungad ni Chan sa ina.
“O anak, asan si bunso?” tanong ng ina.
“Nariyan po sa baba, may kausap lang.” sagot ni Cahn na halatang badtrip at nagdadabog.
“Anak, may away ba? Galit ka ata sa mundo eh, akin na nga yang mga pinamili niyo. Kawawa naman itong manok oh.” Sabi ng ina sabay kuha ng mga pinamili nila Chan.
Lumabas lang si Chan. Maya-maya’y dumating si Ken, nakangiti.
“Ma mano po!” bati ni Ken.
“Anak, san k aba nagpupupunta? Ang tagal mo naman.” Sita ng Ina.
“Diyan lang po sa ibaba Nay. Kinausap lang ako ni Danilo.” Sagot ni ken na wagi pa rin ang pagkakangiti.
“Galing nga pala ditto yun kanina.” Sabi ng Ina.
“Talaga Ma? Bakit daw po?” exited na tanong ni Ken.
“Nagtatanong kung pwede bad aw siyang manligaw.” Sabi ng Ina.
“Ano pong sabi niyo Ma?” nagniningning na ang mga mata ni Ken.
“Oo. Sabi ko, ayos lang sa akin.” Sabi ng Ina.
“Salamat ma!” hindi napigil;ang yakapin ni Ken ang kanyang Mama.
“Anak! Wait lang naman! Hindi naman ako makahinga sa pagkakayakap mo sa akin eh.” Wika ng Ina na tinatanggal ang pagkakayakap ng anak. Masyado rin talaga kasing napahigpit ang pagkakayakap ni Ken.
“Sorry Ma, masyado lang akong natuwa.” Paumanhin ni Ken.
“Pero anak, huwag kang ma-oofend ah. Gusto mo rin ba si Danilo?” tanong ni Ina. Naupo sila sa papag.
Hindi nakasagot ni Ken.
“Diba napapangaralan naman kita tungkol sa ganyang klaseng relasyon? Nasa iyo naman iyon kung susundin mo yun eh.Mali ang ganoong klaseng set up ng relasyon diba?” Seryosong sabi ng Ina.
Tumango lang si Ken. Alam niyang alm nan g ina ang nasa loob niya.
“Malaki ka na, alam mo na ang tama at mali. Hindi naman siguro ako nagkulang ng pangaral sa inyong magkakapatid diba? Hindi naman kita pinagbabawalan anak eh, kung san ka masaya. Sige, go. Do the things that could make you happy, but think first the consequences that will be the result of your decision.” Pagtuloy ng Ina.
Nagulat doon si Ken dahil minsan lang mag-english ang Ina. Niyakap niya ang Ina.
“Ma, improving yung English mo ha. Pero Ma, gusto ko rin siya eh. Tututol ba kayo doon?” sbi ni Ken.
“Tulad nga ng sabi ko, kung san ka masaya, sige go.” Sagot ng ina.
“Salamat po Ma.”
Nasa 3rd floor si Chan ng boarding house na inuupahan nila. Hindi niya alm kung ano ang mararamdaman nang marinig niyang pinayagan ng Ina na manligaw kay Ken si Danilo. Walang umuokupa sa pangatlong palapag. Kaya naman kahit umiyak siya ay walang makakakita.
“Anak…”
Napahinto si Chan sa pinto. Si Mama niya iyon.
“Ma,” sagot ni Chan.
“Alam kong alam mo na, galit ka ba dahil hindi tunay na lalaki ang bunso natin? O galit ka dahil may ibang gusto ang bunso natin?” makahulugang tanong ng Ina.
“Ma, bakit mo naman iyan natanong. ” Tanong ni Chan.
“Alam kong alam mo ang gusto kong iparating.” Inaarok ng ina ang anak.
“So, alam mo nang may gusto ako kay bunso.” Tanong ni Chan.
“Oo naman, mula pa noong nalaman mong ampon natin si Ken.” Sabi ng Ina.
“Ma, bakit ganoon? Sana ako nalang.” Sabi ni Chan.
“Anak, hindi naman pwede ang ganon. Magkapatid kayo eh. Kahit pa sabihing ampon lang si bunso. Tsaka ayaw kong masangkot ka sa pagkakamali ng kapatid mo.” Sabin g ina.
Nagtaka roon si Chan. Bakit ganoon naman ang iniisip ng Ina. Bakit pa ito pumayag na ligawan ni Danilo si Ken.
“Siguro anak iniisip mong isa aking pabaya na Ina? Well, hindi naman gaaon. Gusto ko lang na may matutunang aral ang bunso natin. Naniniwala akong kaya niya labanan ang tukso. Diba pinagsabihan na rin kita tungkol doon?
“Naalala mo yung nahuli kita na guamagawa ng love letter para kay Ken?” tanong ng Ina.
“Opo Ma.” Sagot ni Chan. Napa-balik tanaw si Chan sa nakaraan. Hindi nagalit sa kanya ang ina, pinangaralan lang siya nito. Sinabi nito na hindi tama ang ganoong relasyon.
“Oh diba, tama ba yung mga pinangaral ko sa’yo?” tanong ng Ina.
“Opo. Tama po kayo.” Sagot ni Chan.
“Hindi ka makakatagal kung hindi mo pinigilan ang sarili mo. Yun ang gusto kong maintindihan ni Ken.” Sabi ng Ina.
“Eh Ma, bakit hindi mo nalang dinirektang sabihin sa kanya?” tanong ni Chan.
“Noon ba sinabi ko ng direkta sa’yo? Matututo ka kaya kung ganoon ang ginawa ko?” sabi ng Ina.
Tumango lang si Chan.
“Tara na, kain na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Ken.” Yaya ng ina.
Nagpunas muna si Chan ng luha at sumunod na rin sa ina.
Matapos ang kumain ay nagpaalam ang kanilang Ina na “Magpapahangin” lang daw sa labas.
Hindi malaman ni Ken kung paano sasabihin sa Kuya niya ang tungkol kay Danilo.
“Ken…” sabi ni Chan.
Kinabahan bigla si Ken dahil napaka-seryoso ng boses ng kapatid nito.
“Po…? Kuya ano hanap?” tanong ni Ken. Ganoon ang mga naririnig ni Ken sa mga tindera sa Divisoria.
Hindi tumawa si Chan. Blangko rin ang mukha nito. Kaya natakot tuloy si Ken.
“Ano ba si Danilo para sa’yo?” tanong ni Chan.
“Ayy. Kuya nasa hot seat ako?” tanong ni Ken.
“May gusto kaba talaga sa kanya? Parang kaylan lang kayo nagkita ha? Tapos nililigawan ka na agad niya? At sasagutin mo na agad siya?” sunod-sunod ang tanong ni Chan sa kapatid.
“Kuya…” lumapit si Ken sa kapatid at yumakap sa Kuya niya.
“Hindi pa po kami, in fact tulad ng sabi mo, nanliligaw palang siya. Pasensiya po kuya kung hindi ko ma-meet ang standard mo pati na rin ang pamantayang moral niyo. Hindi naman ako ganoon ka-perpektong tao eh. Nahihiya nga ako sa inyo kasi hindi ako tunay na lalaki. Hindi lang ako nagsasalita pero alam ko namang alam niyo na kung ano talaga ako.” Sabi ng Ken.
Tahimik lang si Chan na nakikinig sa kapatid. Alam niya kung ano ang mga nararanasan ng kapatid.
“Guamnti sng yakap si Chan, “Sige kung ano ang magpapasaya sa'yo. Sige, go. Do the things that could make you happy, but think first the consequences that will be the result of your decision.” Sabi ni Chan na maluha-luha na ang mga mata.
“Kuya alam mo, parehas lang kayo ng sinabi ni Mama.” Sabi ni Ken na hinawakan sa magkabilang pisngi ang kuya.
“Oh? Ganon naman yata kasi ang sinasabi ni Mama sa atin eh. Pati rin kina ate at kuya ganon din. Nasa iyo yun kung ano ang interpretasyon mo.” Sagot ni Chan na hinawakan rin sa magkabilang pisngi ang kapatid. At inuntog nito ang noo sa noon i Ken.
“Aray! Ang sakit naman noon kuya eh!” reklamo ni Ken, namula ang noo niya. Napalakas talaga ang pagkaka-untog ng noon i Chan sa noo nito.”
“Sorry bunso, kiss ko nalang.” Sabi nito at hinalikan agad ang noo ni Ken. At sa labi rin nito.
“Ikaw kuya ha, nakakdalawa ka na. Bakit mob a ginagawa yan ha?” tanong ni Ken dito.
“Ha? Ano naman yun?” pagmaang-maangan ni Chan.
“Eto oh.” Hinalikan din ni Ken ang kapatid. Simple lang noong una, pero lumalim ng lumalim.
“tok-tok-tok…”
May kumatok, doon biglang naghiwalay ang dalawa.
“Si-sino yan?” lakas loob tanong ni Ken na hindi parin humihiwalay sa pagkakatitig sa kuya.
“Ken, si Danilo po ito.” Sagot ng nasa likod ng pinto.
“Ahh.. wait lang Danilo ha.” Sabi ni Ken.
“Ken, kalimutan mo ang nangyari ngayon ha? Mali yun, nadala lang ako. Ikaw kasi eh.” Paliwanag ni Chan sa kapatid.
“Naku kuya wala sa akin yun.” Sabi lang ni Ken at tuamyo. Bago niya binuksan ang pinto ay nilingon nito ang kuya niya na nakatalikod na. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon nito.
“Hi, kumusta?” bati ni Danilo.
“Ayos lang naman, para namang hindi tayo nag usap kanina.” Sagot ni Ken.
“Para pala sayo.’ Sabi no Danilo sabay abot ng Keychain na may nakasulat na
Tinaas rin nito ang keychain niya. Parehas sila. Kinilig siya roon.
“Salamat Danilo. Ang ganda naman!” sabi ni Ken.
“Sige good night na, gabi na eh. Maaga pa tayo bukas.” Sabi ni Danilo.
“Sige good ngith na rin.” Nagulat si Ken dahil bigla siya nitong niyakap at hinalikan sa pisngi. Napangiti nalang doon si Ken.
wow!!!!....ganda po ng story...=) sna pu lgi my update....inaabangan ko ksi...=)) my fb k pu b??...m0re power:)...tnx
ReplyDeleteyes may FB ako,, knight_incomparable@yahoo.com :)
ReplyDelete