Posts

Samuel

Image
Klan! Klang! Klang..! Kasabay ng pagkalembang ng kampana ng simbahan ang pagkalam ng simkura ng batang si Samuel. Isang sampung taong gulang na lalaki, ulila na sa tatay at may isang nakakababatang kapatid na babaeng nasa pitong taong gulang palang. Naninirahan sila sa bangketa at gamit ang isang kariton na nagsisilbi nilang tahanan sa gabi. Tanaw na tamaw si Samuel ang mga taong nagsisimba sa lumang simbahan na kung saan tinatalakay ng pari ang tunay na diwa ng pasko. Pag mamahalan, pagbibigayan at pagpapatawad. Natapos na ang misa, hudyat na ito ng mga batang katulad musmos upang lumapit sa mga tao upang humingi ng limos. "Ate palimos po." maamong sambit ni Samuel sa isang ginang. "Ay, wala akong pera!" sagot ng ginang at lumakad na wari'y isang donya. Lumakad si Samuel patungo sa may kalsada at sumabay sa mga tao upang humingi ng limos. "Kuya palimos po." kalabit ni Samuel sa isang binata. "Eto oh, kaawaan ka ng Diyos." sambit ng

Mahapding Nakaraan Masakit na Katotohanan Part 11

Image
Hello po sa mga readers ko, I'm sorry po kung super natagalan bago ko nadugtungan ang story na ito... na-broken-hearted ako ng tao na kung saan sa kanya dedicated tong story na to ehh,, ayun ngayon lang ako tinamaan ng move-on.. :)) sa ngayon okay na ang puso ko, at nakikita ko paren ang taong alam mo na,,, pero ayos na ako, ayaw ko nang balikan pa yun.  -------------------------------------------------------- Agad na bumaba si Ken at nilagay sa dish-organizer ang mangkok na kinuha niya sa cuarto ni Alex. Hinanap niya ang kanyang cellphone at susi saka ni-lock ang kanyang cuarto.y Paakyat na si Ken sa cuarto ni Kuya Alex. Tok-tok-tok. Bumukas ang pinto at nabigla si Ken sa itsura ni Alex. Ung kaparehas na shorts na nilabhan nito kanina ang suot niya ngayon. Nak shorts ito na maiksi at may mga punit na talagang sinadya ata para Makita ang suot nitong brief na kulay light blue. Ang pangtaas naman nito ay sabdo na ito kaya nakikita lalo ang hubog ng kata

Mahapding nakaraan, masakit na katotohanan part 10

Image
“It takes time to heal a broken heart” Mabilis na lumipas ang panahon at nasa ikatlong taon na sa kolehiyo sina Ken at Danilo. Naipasa ni Danilo ang qualifying exam ng kanilang escuelahan, si Ken naman ay napabilang sa Dean’s list sa nakaraang taong. Araw ng Linggo, pahinga ng mga boardmate nila Danilo at Ken. “Ken andami mo atang labahan?” tanong sa kanya nga isa sa boardmate ni Ken na sa Alex. Nasa bente-otso na ito. Sa unag tingin ay mapagkakamalan mo itong modelo dahil sa katawan nito. Hindi naman kalakihan ang katawan pero mamasel. “Oo nga po kuya eh. Dalawang Linggo po akong hindi nakapaglaba eh. Masyadong busy sa school.” Sagot ni Ken na mas maliwanag pa sa araw ang mukha. “Ansaya mo pa sa lagay nay an ha? Padagdag naman to sa labahan mo oh. Hehehe!” Biro sa kanya ni Kuya Alex. Napadako ang mata niya sa matitingkad na kulay ng brief at maiiksing shorts na may mga punit at butas. Hindi basta-basta punit lang yun dahil mukhang design. Kaya napakunot noo si Ken. “Nagtataka ka kun

Mahapding Nakaraan, masakit na Katotohanan Part 9

Image
Hello po sa lahat,  I would like to apology for I did not continuously posted the next chapter of this story.  Medyo nahirapan sin ako sa pag iisip ng idudugtong hehehe,, sa pagkaka alala ko, January 1, 2011 po pinost yung last chapter. Ilang readers na rin sa blog ko ang kinakalmpag ang inbox ko sa FB para sabihin na dugtungan ko na to. Hehehe.. eto na po.  J Nagkaroon lang ng personal problem at busy rin sa pag-aaral-aralan. Hehehehe… 5555555555555555555555555555555555555555555555 Ang nakaraan… Habang nananghalian sa canteen ng factory na pinapasukan ni Mrs. Yu, biglang lumapit sa kanya ang kasama niya sa trabaho. Hndi niya ito close pero sa tanda niya dalaga ay alam niyang tinuturing siya nito na ate. “Ate may problema po ako.” Bungad ng may kabataang dalaga kay Mrs. Yu. “Huh? Ano naman yun hija? Sabihin mo sa akin.” Sagot ni mrs. Yu. “Pwede po ba mamaya nalang natin pag usapan?” hiling ng dalaga. “Sige. Mamaya sumama ka sa boarding house na inuupahan ko. Doon natin pag usapan.

Mahapding Nakaraan, Masakit na Katotohanan 8

Image
After the long period of time! atlast, na ope ko rin ang blog ko.... whew... nakaka sir talag ang pg-aaral sa pagsusulat ko ng story.. now ko lang napansin na hindi ko pala na post ang chapter 8 dito sa blog ko pero nipost ko sa BOL.. hehehehe adik lang... ------------------------------------------------------------------------------ Nagising si Danilo na nakahiga na sa Kama. Nakita niya si Ken na nasa tabi niyang umiiyak. “Bakit ka umiiyak?” tanong ni Danilo. “Kasi nasaktan kita, sorry Danilo, hindi ko sinasadya ang nagyari.” Sabi ni Ken. “Huwag mong sisihin ang sarili mo, nadala ka lang sa emosyon mo. Inaasahan ko nang mangyayari ito Ken, kumusta? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” wika ni Danilo. “Ikaw ang dapat kong kumustahin. Masakit ba ang likod mo tsaka iyong.” Sabay turo ni Ken sa kumot na may bahid ng dugo. Kahit si Danilo ay nabigla sa nakitang dugo. Balewala sa kanya ang nararamdamang sakit dulot ng kalmot ni Ken maging ang “pagkawasak ng kanyang  pagka-lalaki ”. “Na